Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagtitiwala sa Diyos, 11 Marso

    Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa Akin at Ako’y sa kanya ay siyang nagbubunga ng marami. Sapagkat kung kayo’y hiwalay sa Akin ay wala kayong magagawa. Juan 15:5.LBD 75.1

    Ang unang aralin na dapat maituro . . . ay ang aralin ng pagtitiwala sa Diyos. . . . Kung paano nag-uugat sa lupa ang bulaklak sa parang; kung paano nito kailangang tumanggap ng hangin, hamog, ulan, at sinag ng araw, gayundin kailangan nating tumanggap mula sa Diyos ng nagbibigay buhay sa kaluluwa.— Testimonies for the Church, vol. 7, p. 194. LBD 75.2

    Tinitiyak ang presensya ng Diyos sa Cristiano. Ang Batong ito ng pana-nampalataya ay siyang nabubuhay na presensya ng Diyos. Maaaring magtiwala dito ang pinakamahina. Ang mga nag-iisip na pinakamalakas sila ay magiging pinakamahina malibang nagtitiwala sila kay Cristo bilang kanilang kahusayan, kanilang kahalagahan. Sa Batong ito tayo maaaring matagumpay na magtayo. Malapit ang Diyos sa nagbabayad-salang sakripisyo ni Cristo, sa Kanyang pamamagitan, sa Kanyang mapagmahal, matimyas na kapangyarihang nangunguna sa iglesia. Nakaluklok sa tabi ng walang-hanggang luklukan, may maalab na pagmamalasakit Niya silang minamatyagan. Hangga’t sumasalok ng dagta at pampasigla sa pamamagitan ng pananampalataya ang mga miyembro ng iglesia mula kay Jesu-Cristo, at hindi mula sa mga opinyon at mga plano at mga pamamaraan ng tao; kung inilalagay nila ang kanilang buong pagtitiwala sa Kanya sa pagtaglay ng katiyakan ng pagiging malapit ng Diyos kay Cristo, magkakaroon sila ng nabubuhay na relasyon kay Cristo gaya ng sangang may relasyon sa puno. Natatag ang iglesia hindi sa mga kaisipan ng tao o sa mga mahahabang mga panukala at kaanyuan. Nakasalig ito kay Cristo na kanilang katuwiran. Nakatayo ito sa pananampalataya kay Cristo, “at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magwawagi laban sa kanya.” . . .LBD 75.3

    Nasa Diyos at wala sa tao ang kalakasan ng bawat kaluluwa. Magiging kalakasan ng lahat na magbibigay ng kanilang puso sa Diyos ang katahimikan at pagtitiwala. Nagtataglay si Cristo hindi lamang ng pangkaraniwang pagmamalasakit sa atin kundi ng isang pagtingin na malakas pa sa pagmamahal ng ina para sa kanyang anak. . . . Binili tayo ng ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng makataong pagdurusa at kalumbayan, sa pamamagitan ng pagtanggap ng pag-aalimura, pagkamuhi, pananakit, pangungutya, pagtanggi, at kamatayan. Nagbabantay Siya sa iyo, natatakot na anak ng Diyos. Gagawin ka Niyang ligtas sa lilim ng Kanyang pag-iingat. . . . Hindi makapipigil sa ating paglapit sa banal na Ama ang ating kahinaan sa katauhan, dahil namatay Siya [si Cristo] upang mamagitan para sa atin.— Manuscript 15, 1897. LBD 75.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents