Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Kautusan ng Pag-ibig na Nasusulat sa Ating mga Puso, 13 Pebrero

    Pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon, Ilalagay Ko ang Aking kautusan sa kanilang kalooban, at Aking isusulat iyon sa kanilang mga puso; at Ako’y magiging kanilang Diyos at sila’y magiging Aking bayan. . . . Patatawarin Ko ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa. Jeremias 31:33, 34.LBD 48.1

    Hindi pagpapababa sa kautusan ng Diyos at pagbawas ng pinakamaliit na antas sa banal na karangalan nito ang nakatalagang gawain sa Cristianismo, kundi ang isulat sa puso at isipan ang kautusang iyon. Kapag naitanim sa kaluluwa ng mananampalataya ang kautusan ng Diyos sa ganitong paraan, lumalapit siya sa buhay na walang-hanggan sa pamamagitan ng mga merito ni Jesus. . . .LBD 48.2

    Nagaganap ang layunin ng ebanghelyo kapag natamo ang dakilang layunin na ito. Ang gawain nito sa bawat kapanahunan ay pag-isahin ang mga puso ng Kanyang tagasunod sa isang pansanlibutang kapatiran, sa pamamagitan ng paniniwala sa katotohanan, at maitatag sa gayon ang pagkakaisa at kaayusan ng kalangitan sa sambahayan ng Diyos dito sa lupa, upang ibilang silang karapat-dapat na maging mga kaanib ng marangal na sambahayan sa kaitaasan. Sinusubukan ng Diyos, sa Kanyang katalinuhan at kahabagan, ang mga lalaki at babae dito, upang makita kung susunod sila sa Kanyang tinig at magbibigay galang sa Kanyang kautusan, o magrerebelde gaya nang ginawa ni Satanas. . . .LBD 48.3

    Ang layunin ng Diyos sa pagbibigay ng kautusan sa nagkasalang lahi ay upang ang tao, sa pamamagitan ni Jesus, ay bumangon mula sa kanyang mababang kalagayan at maging kaisa sa Diyos, upang mahayag ang pinakadakilang mga pagbabagong moral sa kanyang likas at karakter. Kailangang maganap ang pagbabagong moral na ito, o kung hindi ay hindi magiging ligtas na tauhan sa kaharian ng Diyos ang tao; sapagkat mag-aalsa siya. . . .LBD 48.4

    Sa buhay na ito ang panahon ng pagsubok. Nagmamatyag ang mga anghel ng Diyos sa pagpapalago ng karakter, at tumitimbang sa moral na kalagayan. Natatapos dito ang buong katanungan: Masunurin o sumasalangsang ba siya sa mga kautusan ng Diyos? Nabago ba, sa pamamagitan ng mga kabutihan ni Cristo, ang makasalanan sa mundong ito sa pagiging masunuring lingkod, upang maging akma siyang makasama sa makalangit na lipunan?— The Review and Herald, July 21, 1891. LBD 48.5

    Ang kautusan ng Diyos na nasa mga puso natin ay magdadala sa sarili nating mga interes sa pagpapasakop sa mataas at walang-hanggang pagsasaalang-alang.— Testimonies for the Church, vol. 3, p. 397. LBD 48.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents