Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagtanggi sa Sarili, 23 Marso

    Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod kami sa Iyo. Marcos 10:28.LBD 87.1

    Mayroong mga pang-araw-araw na aralin ang lahat na kailangang matutuhan sa paaralan ni Cristo, at isang pang-araw-araw na karanasang kailangang makamit, upang maunawaan nila ang kanilang tungkulin bilang Kanyang mga anak.LBD 87.2

    Maraming tapat at may mabuting layuning mga tao ang hindi sumusulong sa buhay Cristiano dahil hindi niya nakikita ang pangangailangan ng patuloy na pagkatuto ng marami pa kay Jesus. Noong unang nakomberti, nagalak siyang tumanggap siya ng lugar sa piling ng Panginoon. Pagkatapos ng isang taon, ito pa rin ang dala niyang patotoo. Walang tanda ng paglagong espirituwal. Mahina pa rin siyang gaya ng isang bata. . . . Masaya ang unang karanasan ng isang bagong hikayat; ngunit dumarating ang mga pagsubok; kailangang salubungin ang mga suliranin ng buhay; nakikipagpunyagi para sa pangingibabaw ang mga makasalanang kaugalian na hindi napigilan, at madalas na nagtatagumpay. Dumarating pagkatapos ang kawalan ng pagtitiwala sa sarili at kapayapaan, paglimot sa pananalangin at sa pagbabasa ng Kasulatan. Dahil sa kakulangan ng kaalaman at karanasan na kanilang kailangan, marami ang nagagapi ni Satanas. Hindi nila alam kung paano malalaman ang kanyang mga tukso, o kung paano malalabanan ang mga ito. . . .LBD 87.3

    Manampalataya kay Jesus bilang inyong tagatulong. Alalahaning hindi dapat piliin ang sarili ninyong gawain, o sumunod sa sarili ninyong mga lakad, kundi tumingin dapat kay Jesus bilang inyong gabay at tularan. Panatilihin ang Kanyang halimbawa sa inyong harapan, at palaging humingi ng bagay na nakalulugod sa Kanyang paningin. Matuto sa Kanya ng mga turo ng pagtanggi at pagsasakripisyo ng sarili.— The Youth’s Instructor, December 5, 1883. LBD 87.4

    Bantayan ang bawat sandali, na pinananatili ang inyong pag-iisip sa Diyos, sa halip na ituon ito sa kasuotan, at sa pagpapahintulot sa pagmamataas na manahan sa inyong puso. Sikaping tanggihan ang sarili; maging banal; hayaang manahan ang pag-iisip sa kalangitan, gayundin ang pagsasalita. . . . Pipiliin ng mga sumusunod kay Cristo ang bahagi ng paghihirap, pagtanggi sa sarili, at tatanggap sa Kanya dito ng papuri, at . . . kaluwalhatian, kawalang kamatayan, at buhay na walang-hanggan sa hinaharap.— The Youth’s Instructor, May 1, 1854. LBD 87.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents