Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pebrero—Tayo Ay Tumatalima sa Kautusan ng Pag-ibig ng Ama

    Tiyak ang mga Kautusan, 1 Pebrero

    Ang mga gawa ng Kanyang mga kamay ay matuwid at makatarungan, ang lahat Niyang mga tuntunin ay mapagkakatiwalaan, ang mga iyon ay itinatag magpakailan man, ang mga iyon ay ginagawa sa katapatan at katuwiran. Awit 111:7, 8.LBD 36.1

    Nagkaroon si Adan at si Eva, sa kanilang pagkakalalang, ng kaalaman tungkol sa batas ng Diyos. Nasusulat ito sa kanilang mga puso, at nauunawaan nila ang mga pangangailangan nito. Nananatili na ang batas ng Diyos bago pa man nilalang ang sangkatauhan. Nakasang-ayon ito sa kalagayan ng mga banal na nilalang. Pinamamahalaan nito maging ang mga anghel. Pagkatapos ng pagkahulog sa kasalanan, hindi nabago ang mga prinsipyo ng katuwiran. Walang tinanggal sa batas; wala ni isa sa mga banal na kautusan nito ang maaaring pagbutihin pa. At dahil nananatili ito mula pa noong pasimula, gayundin ito magpapatuloy hanggang sa walanghanggang kapanahunan.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, p. 1104. LBD 36.2

    Ang tungkulin nating sumunod sa kautusang ito ay dapat maging pasanin ng huling mensahe ng kahabagan para sa sanlibutan. Hindi isang bagong bagay ang batas ng Diyos. Hindi ito kabanalang ginawa, kundi kabanalang ipinakilala. Talaan ito ng mga prinsipyong nagpapahayag ng kahabagan, kabutihan, at pag-ibig. Inihaharap nito sa nagkasalang sangkatauhan ang karakter ng Diyos, at inihahayag na malinaw ang buong tungkulin ng tao.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, pp. 1104, 1105.LBD 36.3

    Dahil pugalan ng pamahalaan ng Diyos ang batas ng pag-ibig, nakasalalay ang kaligayahan ng lahat ng nilalang na may karunungan sa kanilang ganap na pagsang-ayon sa mga dakilang prinsipyo ng katuwiran. Hinihingi ng Diyos mula sa lahat ng Kanyang mga nilalang ang paglilingkod ng pag-ibig— paglilingkod na nagmumula sa pagkilala sa Kanyang karakter. Hindi Siya nalulugod sa sapilitang pagsunod; at nagbibigay Siya sa lahat ng kalayaan ng kalooban, upang magbigay sila sa Kanya ng malayang paglilingkod.— Patriarchs nd Prophets, p. 34. LBD 36.4

    “Ang lahat Niyang mga tuntunin ay mapagkakatiwalaan. . . .” Anuman ang nakatayo sa kapangyarihan ng tao ay nawawala; ngunit mananatili magpakailan man iyong itinayo sa bato ng hindi matitinag na salita ng Diyos.— The Great Controversy, 288. LBD 36.5

    Ang mga banal na kautusan na kinamuhian ni Satanas at pinagsikapang sirain, ay pararangalan sa buong sansinukob ng mga hindi nagkasala.— Patriarchs and Prophets, p. 342. LBD 36.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents