Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Tinuturuan Niya Tayo, 24 Enero

    Tungkol sa inyo, ang pagpapahid na inyong tinanggap ay nananatili sa inyo, kaya’t hindi na ninyo kailangan pang kayo’y turuan ng sinuman. Ngunit kayo’y tinuturuan ng Kanyang pagpapahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at ito’y totoo at hindi kasinungalingan, kung paanong kayo’y tinuruan nito, ay gayundin kayo mananatili sa Kanya. 1 Juan 2:27.LBD 28.1

    Ang Espiritu mismo ang nagtuturo at nagbibigay liwanag. Ang pinakamakapangyarihang pangangaral ng Salita, ang pagbabasa ng Kasulatan, ay hindi makapagbabago sa karakter at makapagliligtas sa mga kaluluwa malibang gumawa ang Espiritu kasama at sa pamamagitan ng mga tao. Hindi dapat maging katangian ng pagpapanukala at pagbabalangkas ang pag-aakit ng pansin sa sarili. Isang kapangyarihan ang Salita, isang tabak, sa kamay ng mga tao, ngunit ang Banal na Espiritu sa nakapagbibigay buhay na kapangyarihan nito ang kapangyarihang may bisa sa pag-iisip. “At tuturuan silang lahat ng Diyos.” Ang Diyos ang nagpapasinag ng liwanag sa mga puso.LBD 28.2

    . . . Ang dahilan kung bakit napakakaunti ng magagawa ng Diyos para sa atin ay dahil nalilimutan nating ang buhay na kagalingan ng Banal na Espiritu ay dapat samahan ng ahente ng tao.— Manuscript 115a, 1897.LBD 28.3

    Sa dakilang katotohanang pribilehiyo nating tanggapin, dapat tayo, sa ilalim ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ay maging mga buhay na daluyan ng liwanag. Makalalapit tayo kung magkagayon sa luklukan ng awa; at luluhod na may mga pusong mapagpakumbaba sa pagkakatanaw sa bahaghari ng pangako, at maghahanap sa kaharian ng kalangitan na may espirituwal na pagsisikap na magbibigay ng sarili nitong gantimpala. Kukunin natin ito sa pamamagitan ng lakas, gaya ni Jacob. Kung magkagayon ang ating mensahe ay magiging kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan. Ang ating mga panalangin ay mapupuno ng pagsisikap, mapupuno ng pagkaramdam ng ating dakilang pangangailangan; at hindi tayo matatanggihan. Maipapahayag ang katotohanan ng buhay at karakter, at ng mga labing hinipo ng nag-aapoy na baga mula sa dambana ng Diyos. Kapag naging atin ang karanasang ito, iaangat tayo mula sa ating aba at mumurahing mga sarili na napakaingat nating inaruga. Ating aalisin sa ating mga puso ang pagkamakasarili, at mapupuno ng papuri at pagpapasalamat sa Diyos. Ating pararangalan ang Panginoon, ang Diyos ng lahat ng biyaya, na Siya namang nagparangal kay Cristo. At Kanyang ihahayag ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan natin, na ginagawa tayong matatalas na karit sa pag-aani.— The Review and Herald, February 14, 1899. LBD 28.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents