Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagpipigil sa Sarili, 18 Marso

    Dahil dito’y lagi akong nagsisikap na magkaroon ng isang malinis na budhi sa Diyos at sa mga tao. Gawa 24:16.LBD 82.1

    Binubuo ng dalawang bagay ang kalakasan ng karakter—kapangyarihan ng kalooban at kapangyarihan ng pagpipigil sa sarili. Maraming mga kabataan ang napagkakamalan ang malakas at walang-pigil na damdamin bilang kalakasan ng karakter; ngunit ang totoo ay isa siyang mahinang tao na pinangungunahan ng kanyang mga damdamin. Nasusukat ang tunay na kadakilaan at karangalan ng tao sa kanyang kapangyarihang sakupin ang kanyang mga damdamin, hindi ng kapangyarihan ng damdamin na sakupin siya.— Child Guidance, pp. 161, 162. LBD 82.2

    Hindi tayo dapat mawalan ng pagpipigil sa ating mga sarili. Lagi nating panatiliin sa ating harapan ang sakdal na Tularan. Kasalanan ang mangusap na walang pagtitiyaga at may pag-aalala o ang makaramdam ng galit—bagaman hindi tayo nagsasalita. Dapat tayong lumakad na karapat-dapat, na nagbibigay ng angkop na pangangatawan kay Cristo. Ang pagsambit ng isang salitang may galit ay gaya ng batong tumatama sa bato: agad itong nagsisindi ng mga damdaming may pagkamuhi.LBD 82.3

    Huwag maging katulad ng barenang pangkahoy. Sa tahanan, huwag hayaan ang sarili ninyo na gumamit ng mga salitang magagaspang. Kailangan ninyong anyayahan ang makalangit na panauhin na pumasok sa inyong tahanan, na kasabay nito ay ginagawang maaaring manahan kasama ninyo Siya at ang mga makalangit na mga anghel. Kailangan ninyong tanggapin ang katuwiran ni Cristo, ang pagpapabanal ng Espiritu ng Diyos, ang kagandahan ng kabanalan, upang maipahayag ninyo sa inyong kapaligiran ang Liwanag ng buhay. . . .LBD 82.4

    Sinabi ng isang kilalang emperador noong malapit na siyang mamatay na, “Sa lahat ng nagawa kong mga pananakop, may iisa lamang na nagpapasaya sa akin ngayon, at iyan ay ang nagawa kong pagsakop sa sarili kong pagkamagagalitin.” Para kina Alexander at Caesar, mas madali pang lupigin ang isang sanlibutan kaysa gapiin ang kanilang sarili. Matapos nilang sakupin ang sunod-sunod na mga bansa, sila naman ang nahulog—ang isa sa kanila ay “biktima ng kawalang pagpipigil, ang isa naman ay biktima ng haling na ambisyon.”— Child Guidance, pp. 95, 96. LBD 82.5

    Pagpipigil sa sarili ang pinakamataas na patotoo ng karangalan sa isang Cristiano.— The Desire of Ages, p. 301. LBD 82.6

    Palagi kayong nasa paaralan sa gawain ng Panginoon, kung saan maaari kayong matuto ng mga turo ng pagpipigil sa sarili, ng banal na karangalan, ng mga magalang na ugali at pagkilos.— Letter 174a, 1902. LBD 82.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents