Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Upang Maging Mapagmahal at Mabuti, 14 Marso

    Ipagpatuloy ninyo ang pag-iibigang magkakapatid. Hebreo 13:1.LBD 78.1

    Walang kaanib ng sambahayan ang maaaring magkulong sa kanyang sarili. . . . Kung napupuno siya ng pag-ibig ni Cristo, magpapakita siya ng paggalang, kabutihan, matimyas na pagpapahalaga sa damdamin ng iba, at maghahayag sa kanyang mga kasamahan, sa pamamagitan ng mga gawa ng pag-ibig, isang matimyas, mapagpasalamat, at masayang damdamin. Magiging hayag na nabubuhay siya para kay Jesus, at araw-araw na natututo sa Kanyang paanan, na tumatanggap ng Kanyang liwanag at kapayapaan.— THE Youth’s Instructor, June 22, 1893. LBD 78.2

    Ang pinakamaingat na pagpapalago ng panlabas na kabutihan ng buhay ay hindi sapat na tanggihan ang lahat ng pag-aalala, malupit na paghatol, at hindi mabuting pananalita. Hindi mahahayag ang tunay na kabutihang-asal samantalang itinuturing ang sarili na pinakamataas. Kailangang manahan sa puso ang pag-ibig. Kumukuha ang ganap na Cristiano ng kanyang mga motibo sa pagkilos mula sa kanyang malalim na pagmamahal sa kanyang Panginoon. Umaagos mula sa mga ugat ng kanyang pagmamahal kay Cristo ang isang hindi makasariling pagmamalasakit sa kanyang mga kapatid.LBD 78.3

    Sa lahat ng mga bagay na ninanasa, iniingatan at pinagyayaman, walang hihigit sa halaga sa paningin ng Diyos kaysa dalisay na puso, pag-uugaling puno ng pagpapasalamat at kapayapaan.LBD 78.4

    Kung nangingibabaw sa puso ang banal na pagsasama ng katotohanan at pag-ibig, magliliwanag ito sa mga salita at mga gawa. . . . Kailangang manahan sa puso ang espiritu ng tunay na kabutihan. Ang pag-ibig ay nagbibigay sa nagtataglay nito ng biyaya, kaayusan, at kagandahan ng pagkilos. Ang pagibig ay nagpapaliwanag sa pagmumukha at nagpapababa sa tinig. Nag-aayos at nagpapataas ito sa buong pagkatao. Dinadala siya nito sa pagkaangkop sa Diyos, dahil makalangit na katangian ito.— The Adventist Home, pp. 425, 426. LBD 78.5

    Huwag ninyong pahintulutang ang pagkamakasarili ay manahan sa puso o makahanap ng lugar sa tahanan. . . . Kapag kaanib ang lahat ng maharlikang sambahayan, magkakaroon ng totoong paggalang sa buhay sa tahanan. Magsisikap ang bawat kaanib ng pamilya na gawin itong kaaya-aya para sa bawat iba pang kaanib.— Child Guidance, p. 143. LBD 78.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents