Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Binabago Tayo Mula sa Pagiging Makasalanan Tungo sa Pagiging Banal, 15 Abril

    Pumarito kayo ngayon, at tayo’y mangatuwiranan sa isa’t isa, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay tulad sa matingkad na pula, ang mga ito’y magiging mapuputi na parang niyebe; bagaman ito’y mapulang-mapula, ang mga ito’y magiging parang balahibo ng tupa. Isaias 1:18.LBD 110.1

    Nabibihisan ng kapangyarihan ang Diyos; kaya Niyang kunin ang mga patay sa mga pagkakamali at kasalanan, at sa pamamagitan ng panghihikayat ng Espiritu na bumuhay kay Jesus mula sa mga patay, ay babaguhin ang karakter ng tao, na ibinabalik sa kaluluwa ang nawalang larawan ng Diyos. Ang mga naniniwala kay Jesu-Cristo ay nabago mula sa pagiging mga rebelde laban sa batas ng Diyos tungo sa masunuring mga tagapaglingkod at mga mamamayan ng Kanyang kaharian. Ipinanganak silang muli, binago, at pinabanal sa pamamagitan ng katotohanan.— The Youth’s Instructor, February 7, 1895. LBD 110.2

    Dapat makita ng mundo ang Diyos sa Kanyang mga tagasunod. Ang buhay at imortalidad ay nahahayag sa mga taong iisa sa Diyos kay Cristo. Pribilehiyo nating magkaroon ng diwa ng liwanag at kaalamang siyang karunungan ng langit. Ang lahat ng may ganitong espiritu, sa anumang posisyon sila malagay, sa pinakamataas o pinakamababang puwesto ng paglilingkod, ay maghahayag sa kanilang gawain ng kapangyarihan ng liwanag at kaalamang ito.LBD 110.3

    Patuloy nating nakikita Siyang namuhay kasama ng mga tao ng isang buhay ng sakdal na pagsunod. Habang pinagmamasdan natin Siya nang mas malapit, mas lalong nalalapit tayong maging katulad Niya sa karakter, at mas malawak ang kahusayan sa paglilingkod sa iba. Aangat tayo sa itaas ng mga pagsubok at kaguluhan ng buhay na ito. . . . Dapat maitago ang sarili. Si Cristo lamang ang lilitaw, na puno ng biyaya at katotohanan. . . .LBD 110.4

    Dapat magsimula ang langit dito sa mundong ito. Kapag ang bayan ng Panginoon ay puno ng kaamuhan at kaawaan, makikilala nilang ang Kanyang bandila sa kanila ay pag-ibig, at magiging matamis ang Kanyang bunga sa kanilang panlasa. Gagawa sila ng isang langit sa ibaba upang maghanda para sa langit sa itaas.— Ellen G. White Manuscript 99, 1902. LBD 110.5

    Siyang tumanggap kay Cristo sa pamamagitan ng pamumuhay sa pana-nampalataya ay may buhay na kaugnayan sa Diyos. . . . Dala-dala niya ang kapaligiran ng langit, na siyang biyaya ng Diyos, isang kayamanang hindi mabibili ng mundo.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, p. 1097. LBD 110.6

    Kung magiging banal kayo sa langit, dapat muna kayong maging banal sa mundo.— The Adventist Home, p. 16. LBD 110.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents