Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Dapat Nating Isaalang-alang ang mga Turo ng Kalikasan, 9 Marso

    At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Pansinin ninyo ang mga liryo sa parang, kung paano silang lumalaki; hindi sila gumagawa o humahabi man. Mateo 6:28.LBD 73.1

    Kamalig ng Diyos ang siyensya ng kalikasan na mapagkukunan ng bawat mag-aaral sa paaralan ni Cristo. Ang mga gawi ng Diyos sa pilosopiya ng kalikasan, at sa mga hiwagang nakaugnay sa Kanyang pakikitungo sa tao, ay kabang-yaman na maaaring mapagkunan ng lahat.— Manuscript 95, 1898. LBD 73.2

    Ang mga bulaklak sa parang, sa kanilang walang-hanggang pagkakaibaiba, ay laging nagdudulot ng kasiyahan sa mga anak ng tao. Ang Diyos mismo ang bumubuhay sa bawat ugat, upang Kanyang maipahayag ang Kanyang pag-ibig sa lahat na mapalalambot at mapasusuko ng mga gawa ng Kanyang kamay. Hindi natin kailangan ng hindi natural na pagpapakita. Kinakatawanan ang pag-ibig ng Diyos ng mga magagandang bagay sa Kanyang mga nilikha.— Letter 84, 1900. LBD 73.3

    Sinikap dalhin ni Cristo ang pansin ng Kanyang mga alagad palayo sa mga bagay na hindi natural tungo sa natural: “At kung gayon binibihisan ng Diyos ang damo sa parang, na ngayon ay buhay, at sa kinabukasan ay itinatapon sa kalan, hindi ba lalo Niya kayong bibihisan, O kayong maliliit ang pananampalataya!” Bakit hindi nilatagan ang lupa ng ating Ama sa langit ng alpombrang kayumanggi o abo? Pinili Niya ang kulay na pinakanakapagbibigay ng kapahingahan, na pinakakatanggap-tanggap sa ating mga pandama. Gaano nga nakalulugod sa puso at nakasisigla sa espiritu ang pagtingin sa lupain, na nararamtan ng kasuotan na buhay na luntian! Kung wala ang pantakip na ito, mapupuno ang hangin ng alikabok, at ang lupain ay mag-aanyong gaya ng disyerto. Ang bawat taluktok ng damo, bawat bumubukang ubod at namumukadkad na bulaklak ay paalala ng pag-ibig ng Diyos, at dapat na magturo sa atin ng turo ng pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya. Tinatawag ni Cristo ang ating pansin sa kanilang likas na kagandahan, at tinitiyak sa atin na ang pinakamagandang kasuotan ng pinakadakilang hari sa lupa ay hindi kapantay doon sa isinusuot ng pinakamababang uri ng bulaklak. Kayong nagnanasa para sa mga panlupang kagandahan na mabibili lamang ng kayamanan, para sa mga mamahaling kuwadro, muwebles, at mga kasuotan, ay makinig sa tinig ng banal na Guro. Itinuturo kayo Niya sa mga bulaklak sa parang, sa payak na disenyong hindi mapapantayan ng galing ng tao.— The Review and Herald, October 27, 1885. LBD 73.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents