Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kung mga Anak, sa Gayo’y mga Tagapagmana. 9 Enero

    At kung mga anak, ay mga tagapagmana ng Diyos, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo, kung tunay ngang nagtitiis tayong kasama Niya, upang tayo’y luwalhatiin namang kasama Niya. Roma 8:17.LBD 13.1

    Nagiging anak ng Diyos ang lahat nang pumapasok sa pakikipagtipan kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng pag-aampon. Nilinis sila ng nakapagpapanibagong kapangyarihan ng Salita, at isinusugo ang mga anghel upang maglingkod sa kanila. Binautismuhan sila sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Ipinangangako nila ang kanilang sarili na magiging masiglang kaanib ng Kanyang iglesia dito sa lupa. Mamamatay sila sa lahat ng pang-akit ng makasanlibutang pagnanasa; ngunit sa pananalita at kabanalan, magpapakita sila ng buhay na impluwensya para sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapabanal ng Espiritu.LBD 13.2

    “Mga tagapagmana ng Diyos, at kasamang tagapagmana ni Cristo,“— anong dakila at marangal na posisyon! Hiwalay at kakaiba sa sanlibutan, malaya sa mga tusong pambitag ni Satanas! Sa pamamagitan ng kanilang panunumpa sa pagbibinyag, ipinangako ng mga tagasunod ng Diyos ang kanilang sarili na manindigan sa pagsalungat sa kasamaan. Gagawang may lahat ng katalinuhan ang kaaway ng mga kaluluwa upang pasamain ang kanilang mga kaisipan. Magnanasa siyang ipasok ang kanyang mga pamamaraan sa kanilang paglilingkod sa kanilang Panginoon. Ngunit mayroong kaligtasan para sa kanila kung susunod sila sa utos na: “. . . patuloy kayong magpakalakas sa Panginoon at sa kapangyarihan ng Kanyang lakas. Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma ng Diyos upang kayo’y makatagal laban sa mga pakana ng diyablo.”— Ellen G. White Manuscript 57, 1907. LBD 13.3

    Pinarangalan ang tao sa pagiging kasosyo sa kompanya ng Diyos, sa pagkakatanggap bilang manggagawa sa sentrong Kanyang itinatag. . . .LBD 13.4

    Sa pamamagitan ng pagkakahirang, tagapagmana ng Diyos ang ating Panginoong Manunubos, at kasamang tagapagmana Niya silang kamanggagawa Niya sa pagliligtas ng mga kaluluwa. . . . Ang maging mananagumpay ay ang malagay sa katayuan nilang may higit at walang-hanggang bigat ng kaluwalhatian.— Letter 49, 1896. LBD 13.5

    Ano pa ang higit na dakilang karangalan ang maaari nating hangarin kaysa tawaging mga anak ng Diyos? Anong posisyon ang maaari nating makamit na hihigit pa, anong higit na kayamanan ang maaari nating mahanap, kaysa dumarating sa kanilang mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo?— The Youth’s Instructor, December 8, 1892. LBD 13.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents