Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Palaging Ibinibigay ang mga Alituntunin Para sa Ating Kabutihan,9 Pebrero

    At iniutos ng Panginoon sa amin na gawin ang lahat ng mga tuntuning ito, na matakot sa Panginoon nating Diyos, sa ikabubuti natin magpakailan man, upang ingatan Niya tayong buhay, gaya sa araw na ito. Deuteronomio 6:24.LBD 44.1

    Habang humahayo ang kabataan sa sanlibutan, upang harapin ang mga pang-akit nito sa pagkakasala—ang pagnanasa para sa pagkamit ng pera, para sa kaaliwan at katakawan, para sa pagpapakita, luho, at kalabisan, ang labis na pagmamalasakit, pandaraya, pagnanakaw at pagkasira—ano ang mga turo doon na kailangan nilang harapin?LBD 44.2

    Idiniriin ng espirituwalismo na mga kalahating diyos ang mga tao; na hahatol “ang bawat pag-iisip sa kanyang sarili”; na “inilalagay ng tunay na kaalaman ang mga tao na mas mataas kaysa kautusan”; na “walang masama sa lahat ng kasalanang nagawa”; dahil “anumang nagagawa ay tama,” at “hindi humahatol ang Diyos.” Ipinakikita nito na nasa langit ang pinakamababang uri ng pagkatao, at pinararangalan doon. . . . Maraming tao ang napaniniwala na ang pagnanasa ang pinakamataas na batas, na ang pang-aabuso ay kalayaan, at sa sarili lamang niya mananagot ang tao.LBD 44.3

    Sa pamamagitan ng ganitong mga turo sa simula pa lamang ng buhay kung kailan pinakamalakas ang simbuyo, at pinakamahalaga ang pagpipigil sa sarili at kadalisayan, nasaan ang mga pananggalang ng kabutihan? . . . Kasabay nito, nagsusumikap ang anarkiya na alisin ang lahat ng batas, hindi lamang ang batas ng Diyos, maging ang batas ng tao. . . .LBD 44.4

    Ganito ang mga impluwensyang kailangang harapin ng mga kabataan ngayon. Upang makapanindigan sa gitna ng ganitong mga kaguluhan, dapat na silang magtanim ngayon ng mga pugalan ng karakter. Sa bawat henerasyon at sa bawat lupain, hindi nagbabago ang tunay na pundasyon at tularan para sa pagbuo ng karakter. Ang banal na kautusan na, “Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng iyong buong puso, . . . iibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili,” ang dakilang prinsipyong nakita sa karakter at buhay ng ating Tagapagligtas, ang tanging pundasyon at nag-iisang tiyak na gabay. . . .LBD 44.5

    Narito ang tanging pananggalang para sa katapatan ng bawat isa, para sa kadalisayan ng tahanan, sa kabutihan ng lipunan, o katatagan ng bansa. Sa gitna ng mga kaguluhan at panganib at magkakaibang turo, ang paggawa sa sinasabi ng Diyos ang tangi at tiyak na pamantayan.— Education, pp. 227-229. LBD 44.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents