Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Iniligtas Tayo ni Cristo Mula sa Walang-hanggang Kamatayan, 11 Agosto

    Siya na nagligtas sa amin mula sa kakilakilabot na kamatayan at patuloy na magliligtas; sa Kanya ay inilalagak namin ang ating pag-asa na muli Niya kaming ililigtas. 2 Corinto 1:10.LBD 228.1

    Naparito ang ating Tagapagligtas sa mundong ito upang tiisin sa kalikasan ng tao ang lahat ng mga tuksong dumadagsa sa tao. Sa Kanyang buhay, sinukat Niya ang kapangyarihan ng masigasig na kalaban na manlinlang, mang-akit, at manira. Bilang Manunubos ng lahi, binabalaan Niya ang sangkatauhan laban sa paghahanap ng mga bagay na hahantong sa makitid na landas. Nagtayo siya ng isang maluwalhating daan para sa mga naglalakbay tungo sa makalangit na mga mansyong inihanda niya para sa lahat ng naghahanda ng kanilang sarili upang maging mga miyembro ng maharlikang pamilya. . . .LBD 228.2

    Sa Kanyang buhay binili ni Cristo ang bawat tao. Namatay Siya ng isang malupit na kamatayan upang mailigtas ang mga tao mula sa walang-hanggang kamatayan. Ibinigay Niya ang Kanyang buhay na walang kasalanan upang makuha para sa makasalanan ang isang buhay na sumusukat sa buhay ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, nagbigay Siya ng paraan kung saan maaaring maihiwalay ang tao kay Satanas, maibalik sa kanyang katapatan sa Diyos, at makakuha ng kapatawaran sa pananampalataya sa Manunubos. . . .LBD 228.3

    Ipanunumbalik Niyang may hawak ng lahat ng kapangyarihan sa lupa at sa langit ang bawat nagsisisi, at naniniwalang kaluluwa. Binibigyan Niya ang lahat ng nagsitanggap sa Kanya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. Mayroon Siyang malalim na interes sa bawat kaluluwa, sapagkat binayaran Niya ng Kanyang sariling buhay upang walang sinuman ang mawala magpakailan man.— Letter 264, 1903. LBD 228.4

    Maaari at dapat makatagpo at mapagtagumpayan ng mga lingkod ni Cristo ang bawat tukso. Dapat nilang sabihin, “Hindi ako ang aking sarili; Nabili ako ng isang halaga. Sa pamamagitan ng walang-hanggang sakripisyo na ginawa ni Cristo para sa akin, pinalabas niya mula sa aking kapangyarihan na ibigay sa Kanya ang higit pa sa hinihingi niya. Sa Kanya ang lahat. Binili Niya ako, ang aking katawan, kaluluwa, at espiritu. Tinatawagan Niya ang lahat ng aking oras, lahat ng aking kakayahan.”—The General Conference Bulletin, April 1, 1899. LBD 228.5

    Naging mga espirituwal na anak ng Diyos ang mga tumanggap at naniniwala sa Kanya. Inampon sila sa maharlikang pamilya, at habang pinagsisikapan nilang gawin ang kalooban ng Diyos, natutulad sila sa Kanyang larawan.— Letter 264, 1903. LBD 228.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents