Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Alam Niya Kung Paano Tayo Tutulungan sa Tuwing Tinutukso Tayo, 18 Enero

    Palibhasa’y nagtiis Siya sa pakatukso, Siya’y makasasaklolo sa mga tinutukso. Hebreo 2:18.LBD 22.1

    Bagaman dumadaan sa pinakamalagim na mga tukso, hindi nabigo o nasiraan ng loob si Cristo. Lumalaban Siya sa digmaan para sa atin, at kung nanghina Siya, kung nagpaubaya Siya sa tukso, maaaring napahamak na ang buong sangkatauhan.LBD 22.2

    Maigsi ang tala ng Biblia tungkol sa pakikipagtunggali kay Satanas sa ilang ng panunukso, ngunit sadyang napakasamang karanasan nito. Lumabas si Cristo na mananagumpay, na tinanggap ang pagsubok para sa atin. Hindi halos maunawaan ng tao ang lakas ng pagtukso kay Cristo! Napakakaunti ng kanyang pagtalos sa karanasan kung saan nakasalalay ang kahahantungan ng isang sanlibutang nahulog sa pagkakasala! Hindi nakikipagpunyagi ang Manunubos ng sanlibutan laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pinuno at laban sa mga may kapangyarihan, laban sa mga kapangyarihang hindi nakikita na naghahari sa sanlibutan sa kadilimang ito, laban sa hukbong espirituwal ng kasamaan sa kalangitan. Interisado ang buong kalangitan sa tunggaliang ito, at anong kasiyahan, anong pagdiriwang ang nagkaroon sa langit dahil naibigay ang tulong sa Isang makapangyarihan upang managumpay, makapangyarihan upang magligtas!LBD 22.3

    Anong pangyayari nga iyon nang inilagay ni Cristo ang Kanyang sarili sa kalagayan ni Adan, at binata ang pagsubok kung saan nabigo si Adan, at inilagay sa pamamagitan nito ang tao sa mataas na lugar, sa panig ng Diyos, kung saan siya ay maaaring managumpay sa pamamagitan ng mga kabutihan ni Jesus. Sa Kanyang pangalan, sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, maaaring maging mananagumpay ang mga tao sa pamamagitan ng pagiging kabahagi ng makadiyos na likas. . . . Naghalo ang kadiyusan at katauhan sa kanya na nagtataglay ng espiritu ni Cristo. Isinulat ni apostol Pablo, “Kaya’t kailangang Siya ay maging kagaya ng Kanyang mga kapatid sa lahat ng mga bagay, upang Siya ay maging isang maawain at tapat na pinakapunong pari.”.LBD 22.4

    . . “Sapagkat tayo’y mayroong isang Pinakapunong Pari na marunong makiramay sa ating mga kahinaan, isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin, gayunma’y walang kasalanan.”— The Youth’s Instructor, June 30, 1892. LBD 22.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents