Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kadalisayan, 19 Marso

    Kanyang ililigtas ang taong walang kasalanan; maliligtas ka sa pamamagitan ng kalinisan ng iyong mga kamay. Job 22:30.LBD 83.1

    Siyang karapat-dapat na nagtataglay ng pangalang Cristiano, na nagpapakahulugan ng pagiging kagaya ni Cristo, ay mapupuno ng kabanalan at kadalisayan, na may pag-ibig at paggalang sa Diyos at sa sinugo Niyang si Jesu-Cristo; at ang kanyang espiritu, ang kanyang mga salita, ang kanyang mga gawa, ay magtataglay lahat ng tatak ng Kalangitan. Makikita ng iba na nakasama niya si Jesus at natuto siya mula sa Kanya, ang kanyang mga panalangin ay magiging payak at marubdob, at aakyat ang mga ito sa Diyos sa mga pakpak ng pananampalataya. Natututo mula sa paaralan ni Cristo, magtataglay siya ng mababang pagpapalagay sa kanyang sarili; at bagaman mahirap siya sa mga bagay ng sanlibutan, maaari siyang maging mayaman sa mga biyaya ng Espiritu ng Diyos, at maaaring pagpalain at pagyamanin ang kanyang kapwa sa pamamagitan ng kanyang espiritu at impluwensya, dahil si Cristo na nasa kanya ay isang bukal ng tubig na umaagos tungo sa buhay na walang-hanggan. Magpapakalat siya ng pag-asa at lakas ng loob at kalakasan, at maipapahiya silang makasanlibutan, makasarili, at panlabas lamang ang pag-aangkin, na may pangalang ikabubuhay sila subalit patay sa katotohanan.— The Youth’s Instructor, June 22, 1893. LBD 83.2

    Ang mahalagang pananampalatayang nagmumula sa Diyos ay nagbibigay ng kalakasan at karangalan sa karakter. Habang pinagbubulayan ang Kanyang kabutihan, kahabagan, at pag-ibig, magiging mas malinaw ang pagkakabatid sa katotohanan; mas mataas at mas banal ang pagnanasa para sa kadalisayan ng puso at kalinawan ng pag-iisip. Nababago ang kaluluwang nananahan sa dalisay na hangin ng banal na pag-iisip sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Diyos sa Kanyang Salita. Ang katotohanan ay napakalaki, napakalayo ng abot, napakalalim, napakalawak na anupa’t nawawala ang sarili sa paningin. Ang puso ay napalalambot, at nasasakop ng pagpapakumbaba, kabutihan, at pag-ibig. . . . Dahil dalisay ang kanilang pag-iisip, magiging malakas ang kanilang pag-iisip.— The Ministry of Healing, pp. 465, 466. LBD 83.3

    Mahalaga kaysa ginto ang kadalisayan ng puso at kagandahan ng espiritu, sa ngayon at sa walang-hanggan. Tanging ang may mga dalisay na puso ang makakikita sa Diyos.— Child Guidance, p. 418. LBD 83.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents