Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nangangahulugan ng Buhay na Walanghanggan ang Pananampalataya sa Kanya, 17 Enero

    Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walanghanggan. Juan 3:36.LBD 21.1

    Kapag isinusuko ng kaluluwa ang sarili nito kay Cristo, humahawak ang isang bagong kapangyarihan sa bagong puso. Nagaganap ang isang pagbabagong hindi makakayang gawin ng tao sa kanyang sarili. Gawaing sobrenatural ito, na nagdadala ng elementong sobrenatural sa likas ng tao. Nagiging tanggulan Niya ang kaluluwang nagpapaubaya kay Cristo, na hinahawakan Niya sa gitna ng sanlibutang nag-aalsa, at nilalayon Niyang walang kapangyarihan ang kikilalanin dito maliban sa Kanya. Hindi makakayang wasakin ng mga paglusob ni Satanas ang kaluluwang iniingatan ng mga makalangit na kapangyarihan sa ganitong paraan.— The Desire of Ages, p. 324. LBD 21.2

    Nakahandang ibigay ni Cristo ang lahat ng mga makalangit na impluwensya. Batid Niya ang bawat tuksong dumarating sa tao, at ang kakayahan ng bawat tao. Tinitimbang Niya ang Kanyang lakas. Nakikita Niya ang kasalukuyan at ang hinaharap, at naglalahad sa isip ng mga kapananagutan na kailangang gampanan, at iniuudyok na huwag pahintulutang kawilihan ang mga bagay na pangkaraniwan at makalupa na anupa’t mawawala na sa ating pansin ang mga bagay na walang-hanggan.— The Youth’s Instructor, July 5, 1894. LBD 21.3

    Walang bayad ang mga kaloob ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ni Cristo para sa lahat. Walang pagpili maliban sa ginagawa mo sa iyong sarili ang sukat na maaaring ikamatay ninuman. Inilagay ng Diyos sa Kanyang Salita ang mga kalagayan kung paano mapipili ang bawat kaluluwa sa buhay na walang-hanggan—pagsunod sa Kanyang mga utos, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Pinili ng Diyos ang isang karakter na kasang-ayon sa Kanyang kautusan, at makapapasok sa kaharian ng kaluwalhatian ang sinumang makaaabot sa pamantayan na Kanyang hinihingi. Sinabi mismo ni Cristo na, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang-hanggan.”— Patriarchs and Prophets, p. 207. LBD 21.4

    Anong napakataas na kalagayan ang kilalaning kasama Niya na kinaroroonan ng lahat ng kaganapan, na tunay na Karangalan ng kalangitan, ngunit umibig sa atin kahit nagkasala tayo! Hindi ito kayang ipahayag ng maraming mga salita! Para sa ating kapakanan, isinantabi Niya ang Kanyang kasuotang maharlika, bumaba sa luklukan ng langit, at nagpakababa upang takpan ang Kanyang kadiyusan ng pagpapakumbaba, at naging kaisa sa atin maliban sa kasalanan, upang ang Kanyang buhay at karakter ay maging tularan para gayahin ng lahat, nang magkagayon tumanggap sila ng mahalagang regalo ng buhay na walang-hanggan.— The Youth’s Instructor, October 20, 1886. LBD 21.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents