Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagpapatawad, 24 Marso

    Pagtiisan ninyo ang isa’t isa, at kung ang sinuman ay may reklamo laban sa kanino man, magpatawaran kayo sa isa’t isa, kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayundin naman ang inyong gawin. Colosas 3:13.LBD 88.1

    Nangangahulugan ng pagsulong ang relihiyon ni Cristo; nangangahulugan ito ng palaging pag-abot paitaas sa mas banal at mas mataas na pamantayan. Ang Cristianong may pusong nahipo ng kagandahan ng karakter ng Tagapagligtas, ay dapat isakabuhayan ang kanyang natututuhan sa paaralan ni Cristo. Kailangan nating maging magagaling na mga magaaral sa paaralan ni Cristo, na handang matututuhan kung ano ang Kanyang araw-araw na itinuturo.— The Youth’s Instructor, September 13, 1894. LBD 88.2

    Hindi natin maaabot ang kasakdalan ng karakter kung hindi natin maririnig ang tinig ng Diyos at susundin ang Kanyang payo. Ang turong ito ay hindi lamang para sa mga walang kailangang lagpasan na mga pagsubok na maaaring makaudyok sa kanila na bumuo ng pagkamuhi sa kanilang mga kapatid, ngunit umaangkop din ito sa mga nasugatan, na dumanas ng pananakit na pinansyal, ng pang-aalipusta at pamumuna, ng mga maling pag-iisip at maling paghatol. Hindi dapat nito hayaang pumasok ang galit sa puso, o pabayaang bumangon ang anumang masamang damdamin kapag tumitingin sila sa mga nanakit sa kanila. . . .LBD 88.3

    Gaya ni Cristo, dapat nating patawarin ang ating mga kaaway, at maghahanap ng mga pagkakataong maipakita sa mga nanakit sa atin na minamahal natin ang kanilang mga kaluluwa, at kung magagawa natin ito, magdudulot tayo sa kanila ng kabutihan. . . . Kung magpapatuloy sa maling gawain ang mga nanakit sa atin . . . ay kailangan nating magsikap na makipagkasundo sa ating mga kapatid, na sumusunod sa panukala ng Biblia, na itinuro mismo ni Cristo. Kung ayaw ng ating mga kapatid na makipagkasundo sa atin, kung gayon ay huwag na pag-usapan ang tungkol sa kanila, ni saktan ang kanilang reputasyon, kundi ihabilin sila sa kamay ng makatuwirang Diyos, na humahatol sa lahat nang matuwid. . . . Maaaring ariin ng mga kabataan na may dakilang pag-ibig sila sa gawain ng Diyos; ngunit samantalang hindi sila nakikipagkasundo sa kanilang mga kasamahan, hindi sila nakikipagkasundo sa Diyos. Ang mga . . . iniingatang makasariling damdamin na ito ang nagpapalayo ng pagpapala ng Diyos sa ating mga puso at mga tahanan. Hayaang umagos ang pag-ibig ni Cristo sa inyong puso at bumago ng karakter, kung hindi ay hindi tayo magiging mga anak ng Diyos.— The Youth’s Instructor, January 13, 1898. LBD 88.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents