Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pinangungunahan Niya ang mga Anak ng Diyos, 22 Enero

    Sapagkat ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay sila ang mga anak ng Diyo. Roma 8:14.LBD 26.1

    Isang personalidad ang Banal na Espiritu, dahil sumasaksi Siya kasama ng ating mga espiritu na mga anak tayo ng Diyos. Kapag nadala ang saksing ito, dinadala nito ang sarili nitong patotoo. Sa mga ganitong panahon naniniwala tayo at nakatitiyak na mga anak tayo ng Diyos.—.Evangelism, p. 616.LBD 26.2

    Nagtataglay ang Panginoon ng kapunuan ng biyaya upang ibigay sa bawat isang tatanggap sa makalangit na regalo. Magbibigay ang Banal na Espiritu ng mga kakayahang ipinagkatiwala ng Diyos sa paglilingkod kay Cristo, at maghuhulma at maghuhugis sa tao sang-ayon sa banal na Tularan, sang-ayon sa masugid na pagnanasa ng tao na mabago.—The Youth’s Instructor, July 5, 1894.LBD 26.3

    Maliliwanagan at pababanalin ang mga magpapahintulot na mapangunahan ng Espiritu ng Diyos. Mauunawaan nila ang karumihan ng kasalanan at ang kagandahan ng kabanalan. Kikilalanin nilang dakilang karangalan ang tawaging mga anak ng Diyos, na nalalaman na lubusang hindi sila karapat-dapat na maiugnay kay Cristo, ang bugtong na Anak ng Ama. Tinanggap ni Cristo sa Kanyang sarili ang ating likas, upang maiugnay Niya tayo sa Kanyang sarili. Nagdusa Siya sa laman . . . upang madala Niya ang maraming mga anak na lalaki at babae sa Diyos.— The Youth’s Instructor, December 8, 1892. LBD 26.4

    Ang Espiritu ang Siyang nagdadala ng mga maliwanag na sinag ng Araw ng Katuwiran sa mga nadilimang pag-iisip; na nagpapaalab sa mga puso ng tao sa kanilang kalooban na may nagising na pagkakilala sa mga katotohanan ng walang-hanggan; na naghahandog sa isip ng dakilang pamantayan ng katuwiran, at kumukumbinsi sa kasalanan; na gumigising sa pananampalataya sa Kanya na Siyang tanging makapagliligtas mula sa kasalanan; na gumagawa upang baguhin ang karakter sa pamamagitan ng paglayo ng mga damdamin ng tao sa mga bagay na pansamantala at nasisira, at pagtuon sa kanila sa walang-hanggang pamana. Ang Espiritu ang nagpapanibago, nagpapakinis, at nagpapabanal sa mga tao, na ginagawa silang angkop na maging mga kaanib ng maharlikang sambahayan, mga anak ng makalangit na Hari.— Gospel Workers, pp. 286, 287. LBD 26.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents