Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kasintiyak ng Umaga ang Paglabas, 24 Nobyembre

    At ating kilalanin, tayo’y magpatuloy upang makilala ang Panginoon; ang Kanyang paglabas ay kasintiyak ng bukangliwayway. Hosea 6:3.LBD 333.1

    Malapit na ang wakas ng lahat ng bagay. Hindi dapat hayaang maglagay ng tuldok ang nagawa na natin sa ating gawain. Sinasabi ng Kapitan ng ating kaligtasan, “Sumulong kayo. Dumarating na ang gabi, na walang taong makakagawa.”LBD 333.2

    Palagi dapat tayong lumago sa kapakinabangan. Ang ating buhay ay dapat laging nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo. . . .LBD 333.3

    Kaparaanan ng tagumpay ang panalangin na itinalaga ng langit. Ang mga panawagan, pakiusap, at pagsusumamo, sa pagitan ng tao at ng tao, ay kumikilos sa mga tao, at nagsisilbing bahagi ng pagkontrol sa mga gawain ng mga bansa. Ngunit pinakikilos ng panalangin ang langit. Ang kapangyarihang iyan pa lang na dumarating bilang tugon sa panalangin ay gagawing matalino ang mga tao sa karunungan ng langit, at tinutulungan silang gumawa sa pagkakaisa ng Espiritu, na pinagsasama-sama ng buklod ng kapayapaan.LBD 333.4

    Ang panalangin, pananampalataya, at pagtitiwala sa Diyos, ay naghahatid ng kapangyarihang naglalagay sa mga kalkulasyon ng tao sa tunay nitong halaga—walang-kuwenta.LBD 333.5

    Nagbigay ang Diyos sa mga tao ng banal na kapahayagan sa lahat ng kapanahunan, na matutupad Niya sa ganito ang Kanyang layunin sa unti-unting pagsiwalat ng mga doktrina ng biyaya sa isipan. Inilalarawan ang Kanyang paraan ng pagbabahagi ng katotohanan ng mga salitang, “Ang Kanyang paglabas ay kasintiyak ng bukang-liwayway.” Siyang naglalagay ng kanyang sarili sa kalagayang matatanglawan siya ng Diyos, ay sumusulong kumbaga, mula sa bahagyang kalabuan ng bukang-liwayway tungo sa buong kaningningan ng katanghaliang-tapat. . . . Kung paanong humahayo ang araw sa lakad nito ng kahabagan at pag-ibig, kung paanong binabaha ng mga ginintuang sinag ng araw ang kulandong ng langit, at pinagaganda ang kagubatan at kabundukan, ginigising ang sanlibutan sa pamamagitan ng pagtaboy sa kadiliman ng gabi, gayundin naman dapat humayo ang mga tagasunod ni Cristo sa kanilang misyon ng pag-ibig.— The Australian Union Conference Record, November 1, 1904.LBD 333.6

    Tungkulin ng bawat kabataang disidido at walang pag-aatubiling ilagay ang kanyang sarili sa panig ni Cristo upang siya ay . . . lumago sa buong kapuspusan ng isang tao kay Cristo Jesus. Maisusulat naman siya ngayon ay bilang isang tunay na lalaki sa aklat ng Diyos, at magiging lalaki hindi lamang sa pananaw ng mga tao, kundi sa paningin ng Diyos.— The Youth’s Instructor, April 26, 1894.LBD 333.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents