Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First

    Si Cristo ang Gurong Ipinadala ng Langit, 4 Marso

    Sinabi ni Jesus sa kanila, Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa Akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa Akin ay hindi kailan man mauuhaw. Juan 6:35.LBD 68.1

    Ang isip ang pinakamabuti nating pag-aari; ngunit kailangan itong sanayin sa pamamagitan ng pag-aaral, ng pagninilay-nilay, ng pagkatuto sa paaralan ni Cristo, ang pinakamabuti at pinakatunay na guro na nakilala ng sanlibutan.— The Review and Herald, January 6, 1885. LBD 68.2

    “Ako ang Tinapay ng Buhay,” ang May Akda, Tagakanlong, at Tagapagtaguyod ng buhay na walang-hanggan at espirituwal na buhay. . . . Nangangahulugan ang kumain ng Kanyang laman at pag-inom ng Kanyang dugo ng pagtanggap sa Kanya bilang guro. Mahalaga sa espirituwal na kabuhayan ang pananampalataya sa Kanya. Silang nanginginain sa Salita ay hindi nagugutom, hindi nauuhaw, hindi na naghahanap ng mas mataas o nang mas mabuti.— Manuscript 81, 1906. LBD 68.3

    Matatagpuan sa Salita ng Diyos ang pinakatunay, pinakamataas na karunungan. May kagalingan sa kapayakan nito. Mayroong makauunawa sa mga salita ng mga sinasabing mga dakilang tao ng sanlibutan, at mahilig na manatili sa kanilang mga binigkas na kailangan nilang itaas at pahalagahan. Maririnig mo ang mga tao na itinataas ang mga tao, na ipinagmamalaki iyong mga tinatawag na dakila ng sanlibutan. Sa paggawa nito, nawawala sa kanilang paningin si Cristo sa Kasulatan. Hindi Siya ang lahat-lahat para sa kanila—ang una, ang huli, ang pinakamabuti sa lahat ng mga bagay. Kailangan ng mga ito na umupo sa paanan ni Jesus, at matuto mula sa Kanya na siyang buhay na walang-hanggan kapag nakilala natin nang matuwid.— Manuscript 81, 1906. LBD 68.4

    Ang Biblia ang gabay natin sa mga landas na ligtas na humahantong sa buhay na walang-hanggan. Kinilos ng Diyos ang mga lalaki na sumulat ng mga bagay na maglalahad sa atin ng katotohanan, na gaganyak, at kapag isinakabuhayan ito, ay magbibigay kapangyarihan sa tumatanggap nito na makamtan ang kapangyarihang moral na hahanay sa mga may pinakamataas na pinagaralan. Lalago ang mga pag-iisip ng lahat ng mag-aaral sa Salita ng Diyos. Higit sa ano pa mang pag-aaral, magpapalakas ito sa kapangyarihan ng pag-unawa, at magbibigay sa bawat kapangyarihan ng panibagong kasiglahan. . . . Dinadala tayo nito sa mas malapit na pagkakaugnay sa kalangitan, na nagbibigay ng karunungan, kaalaman, at pag-unawa. . . . Angkop ang ebanghelyo para maging espirituwal na pagkain na makalulugod sa espirituwal na pagkagutom ng tao. Sa bawat pagkakataon ito ang siyang kinakailangan ng tao.— The Youth’s Instructor, October 13, 1898. LBD 68.5