Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nagbibigay Siya ng Karunungan at Pagkaunawa, 25 Enero

    At ang Espiritu ng Panginoon ay sasakanya, ang diwa ng karunungan at ng unawa, ang diwa ng payo at ng kapangyarihan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon. Isaias 11:2.LBD 29.1

    Habang binubuksan sa inyo ng Banal na Espiritu ang katotohanan, magtitipon kayo ng mga pinakamabubuting karanasan, at magnanasang magsalita sa iba ng mga nakaaaliw na bagay na napahayag sa inyo. Kapag nadala kayo sa pakikisama sa kanila, ipababatid ninyo ang isang sariwang kaisipan tungkol sa karakter at gawain ni Cristo. Magkakaroon kayo ng bagong kapahayagan ng Kanyang mahabaging pag-ibig upang ibahagi sa mga umiibig sa Kanya at gayundin sa mga hindi umiibig sa Kanya.LBD 29.2

    “Magbigay kayo at iyon ay ibibigay sa inyo” dahil ang Salita ng Diyos ay “isang bukal ng mga halamanan, balon ng mga tubig na buhay, at dumadaloy na batis mula sa Lebanon.” Ang pusong minsan nang nakatikim sa pag-ibig ni Cristo, ay patuloy na nagsusumamo para sa higit na kalaliman, at habang nagbabahagi kayo, tatanggap kayo ng sukat na mas mayaman at masagana. Ang bawat paghahayag ng Diyos sa kaluluwa ay nagpapalago sa kakayanang kumilala at umibig. Ang patuloy na panaghoy ng puso ay, “Higit pa ng sa Iyo,” at lagi ang sagot ng Espiritu ay, “Marami pa.” Sapagkat nalulugod ang ating Diyos na gumawa nang “higit na sagana kaysa lahat ng ating hinihingi o iniisip.” Kay Jesus, na Siyang nagbuhos ng Kanyang sarili para sa kaligtasan ng nahulog na sangkatauhan, ang Banal na Espiritu ay naibigay na walang sukat. Gayundin ang ibibigay sa bawat tagasunod ni Cristo kapag isinuko ang buong puso para sa Kanyang panahanan. Ang Panginoon natin mismo ang nagbigay ng utos na, “Mapuno kayo ng Espiritu,” at pangako ang utos na ito ng katuparan nito. Minabuti ng Ama na kay Cristo “ang buong kapuspusan ay manahan” at “sa Kanya kayo’y pinuspos.”LBD 29.3

    Ibinuhos ng Diyos ang Kanyang pag-ibig na walang pagtitipid, gaya ng ulan na nagpapasariwa sa lupa. Sinasabi Niya: “At ang kalangitan ay magpaulan ng katuwiran; bumuka ang lupa, at lumitaw ang kaligtasan, at upang ang katuwiran ay lumitaw na kasama nito.”. . . “At mula sa Kanyang kapuspusan ay tumanggap tayong lahat, biyaya na sinundan pa ng ibang biyaya.”— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 36-38. LBD 29.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents