Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nagpapasaya sa Puso at Nagbibigayliwanag sa mga Mata,8 Pebrero

    Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso, ang utos ng Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata. Awit 19:8.LBD 43.1

    Mayroon lamang tayong kakaunting nahagip na liwanag sa napakalawak na kautusan ng Diyos. . . . Marami sa mga nag-aangking nananampalataya sa katotohanan para sa mga huling araw na ito ang kumikilos na parang hindi pinapansin ng Diyos ang kanilang kawalan ng paggalang at hayagang pagsuway sa mga prinsipyo ng Kanyang banal na kautusan. Ang kautusan ang kapahayagan ng Kanyang kalooban, at tatanggapin ng Diyos ang mga anak ng tao bilang Kanyang anak na lalaki at babae sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusang iyon. . . . Ginawa ang isang walang-hanggang sakripisyo upang maibalik ang moral na larawan ng Diyos sa sangkatauhan, sa pamamagitan ng handang pagsunod sa lahat ng mga kautusan ng Diyos. Napakadakila ng ating kaligtasan sapagkat nagawa ang sapat na panustos sa pamamagitan ng katuwiran ni Cristo, upang tayo ay maging dalisay, ganap, at hindi nagkukulang ng anumang bagay. . . . Kung susunod ang tao sa kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, mapapasakanya ang mga kayamanan ng kalangitan.— The Review and Herald, February 4, 1890. LBD 43.2

    Buksan ninyo ang inyong pang-unawa; tingnan ang napakagandang kaayusan ng mga kautusan ng Diyos sa kalikasan, at mamangha, at igalang ang inyong Manlalalang, ang Pinakamataas na Tagapangulo ng langit at ng lupa. Tingnan Siya sa pamamagitan ng mata ng pananampalataya, na yumuyuko sa inyo na may pag-ibig. . . . Magbibigay ng kalakasan ang inyong pananampalataya kay Jesus sa bawat layunin at katiyakan sa karakter. Nakasalalay ang lahat ng inyong kasiyahan, kapayapaan, kaligayahan, at tagumpay sa buhay na ito sa tunay at nagtitiwalang pananampalataya sa Diyos. Magdudulot ang pananampalatayang ito ng tunay na pagsunod sa mga utos ng Diyos. Ang inyong kaalaman at pananampalataya sa Diyos ang pinakamalakas na pampigil sa bawat masamang gawain, at umuudyok sa lahat ng kabutihan. Manampalataya kay Jesus bilang nagpapatawad ng mga kasalanan, na nagnanais na maging maligaya kayo sa mga tahanang inihanda Niya para sa inyo. Nais Niyang mabuhay kayo sa Kanyang presensya upang magkaroon ng buhay na walang-hanggan at korona ng kaluwalhatian.— The Youth’s Instructor, January 5, 1887. LBD 43.3

    May dakilang gantimpala sa pag-iingat sa mga kautusan ng Diyos maging sa buhay na ito. Hindi humahatol sa atin ang ating mga konsiyensya. Hindi nakikipag-alitan ang ating mga puso sa Diyos, kundi may kapayapaan sa Kanya.— The Signs of the Times, September 22, 1898. LBD 43.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents