Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagkamaalalahanin, 17 Marso

    Bilang mga hinirang ng Diyos, mga banal at minamahal, magbihis kayo ng kahabagan, ng kabaitan, ng kababaang-loob, ng kaamuan, at ng katiyagaan. Colosas 3:12.LBD 81.1

    Tumingin kay Jesus bilang inyong gabay at tularan. . . . Pag-aralan kung paano kayo magiging tulad Niya, sa pagkamaalalahanin sa kapwa, sa kaamuaan at pagpapakumbaba. Kung magkagayon ay maaari kang “lumago . . . sa Kanya na siyang ulo, samakatuwid ay si Cristo”; maaari mong ilarawan ang Kanyang wangis, at matanggap Niya bilang Kanyang sarili, sa Kanyang pagdating.— The Youth’s Instructor, December 5, 1883. LBD 81.2

    Kapag nakilala si Jesus sa pamamagitan ng pananampalataya, at nadala sa kaloob-loobang santuwaryo ng kaluluwa, huhulmahin at aayusin ang karakter ng Banal na Espiritu na kagaya ng wangis ni Cristo. Kung magkagayon matututuhan ang mga aralin sa paaralan ni Cristo. Makikilala ang karakter ng puno sa pamamagitan ng mga bunga nito. “Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga.” Magniningning na gaya ng isang liwanag ang Cristiano sa gitna ng kadilimang moral sa sanlibutan. Magiging malambot ang kanyang puso, at maalalahanin sa damdamin ng kanyang kapwa. Tinuturuan tayo ng Salita ng Diyos na maging “matalino kayong gaya ng mga ahas,” at tungkulin ng bawat Cristiano na dalhin ang kanyang sarili sa ilalim ng pagdidisiplina ng mga alituntunin ng Biblia, upang siya ay maging “manggagawang walang anumang dapat ikahiya.” Ang gawaing nagmumula sa mga kamay ng mga gumagawa nito, ay magiging kasing tibay ng walanghanggan. Hindi ito mahahaluan ng isa mang hibla ng pagkamakasarili, at hindi magiging maluwag, walang ingat na gawain.— The Youth’s Instructor, September 20, 1894. LBD 81.3

    Dapat palaging taglaying ang magiliw na pagmamahal sa pagitan ng asawang lalaki at babae, mga magulang at mga anak, mga magkakapatid na lalaki at babae. Dapat bantayan ang bawat minadaling salita, at hindi dapat magkaroon ng kahit anyo ng kawalang pag-ibig para sa isa’t isa. Tungkulin ng bawat isa sa sambahayan na maging magiliw, na magsalitang may kabaitan.LBD 81.4

    Ingatan ninyo ang pagkamagiliw, pagmamahal, at pag-ibig na ipinahahayag sa maliliit na kabutihan, sa pananalita, sa mga maalalahaning pangangalaga.— The Adventist Home, p. 198. LBD 81.5

    Ang panloob na kaayusan, ang mga biyaya ng Espiritu, ang mabuting pananalita, ang maalalahaning pakikitungo sa kapwa ang siyang pinahahalagahan ng Diyos.— Child Guidance, p. 429. LBD 81.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents