Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nagbunga ng Kanyang Pagkahikayat ang Pagliliglig kay Pedro, 25 Marso

    Simon, Simon, narito, hiningi ni Satanas na ligligin kayo gaya ng trigo, subalit Ako ay nanalangin para sa iyo upang ang iyong pananampalataya ay huwag mawala; kung makabalik ka nang muli, palakasin mo ang iyong mga kapatid. Lucas 22:31, 32.LBD 89.1

    Ang dahilan kung bakit napakarami sa mga nag-aangking mga alagad ang nahuhulog sa mahirap na tukso ay dahil hindi sila nagtataglay ng matuwid na kaalaman tungkol sa kanilang sarili. Dito napakalubhang niliglig ng kaaway si Pedro. Kung mauunawaan natin ang ating mga kahinaan, makikita natin ang napakaraming kailangang gawin para sa ating mga sarili na anupa’t ating ibababa ang ating puso sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos. Sa pagkakatiwala ng ating mga kaluluwa kay Cristo, mapapalitan natin ang ating kamangmangan ng Kanyang karunungan, ang ating kahinaan ng Kanyang kalakasan, ang ating karupukan ng Kanyang nananatiing kalakasan. Nahulog si Pedro dahil hindi niya nalalaman ang sarili niyang karupukan. Inisip niyang malakas siya. . . .LBD 89.2

    Kung may pagpapakumbaba sanang lumakad si Pedro kasama ng Diyos, na itinatago ang kanyang sarili kay Cristo; kung masidhi niyang hinanap ang banal na tulong; hindi sana siya labis na nagtiwala sa kanyang sarili; kung tinanggap niya ang turo ng Panginoon at isinakabuhayan ito, nagbabantay sana siyang may pananalangin. . . . Kung masusi niyang pinag-aralan ang kanyang sarili, binigyan sana siya ng Panginoon ng banal na tulong at hindi na sana kailangan ng pagliliglig ni Satanas. . . . Walang kapangyarihan ang buong lakas ng kasamaan na maaaring makapagpapahina sa kaluluwang nagtitiwala, sa payak na pananalig, sa karunungang nagmumula sa Diyos.— The Youth’s Instructor, December 15, 1898. LBD 89.3

    Ang pagbabantay ni Cristo para kay Pedro ang dahilan ng kanyang panunumbalik. Walang magagawa si Satanas laban sa pamamagitan ni Cristo na makapangyarihan sa lahat. At ang panalanging iniaalay ni Cristo para kay Pedro ay iniaalay Niya para sa kapakanan ng lahat ng mapagpakumbaba at nagsisisi. . . . Nagkasala si Pedro laban sa liwanag at kaalaman, at laban sa dakila at matataas na mga pagkakataon. Ang pagtitiwala sa sarili ang naging dahilan ng kanyang pagbagsak, at ito ring kasamaan na ito ang siyang gumagawa sa mga puso ng mga tao ngayon. Maaaring layunin nating maging matuwid at gumawa ng matuwid, ngunit tiyak na magkakamali tayo malibang nananatili tayong mga mag-aaral sa paaralan ni Cristo.LBD 89.4

    Ang lumakad nang mapagpakumbaba kasama ng Diyos ang tangi nating kaligtasan.— The Youth’s Instructor, December 15, 1898. LBD 89.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents