Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Binigyang-katiyakan Tayo ng Buhay na Walang-hanggan,10 Pebrero

    Mapapalad ang naghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punungkahoy ng buhay at makapasok sa lunsod sa pamamagitan ng pintuan. Apocalipsis 22:14.LBD 45.1

    Napalalayo sa mga bagay na makalangit ang mga damdamin ng taong mapagmahal sa kasiyahan. Pinaiilalim niya ang mga kaluwalhatian ng walang-hanggan sa mga nakaaakit na pinagmamalasakitan ng kasalukuyan. Sa kanyang pagnanasang angkinin ang mga makalupang kayamanan, nawawala sa pananaw ang mga makalangit na kayamanan. Nababale-wala ang mga pag-aangkin ng buhay sa kinabukasan, at nangingibabaw ang mga pangangailangan ng buhay na ito. . . .LBD 45.2

    Ipinakikita sa atin ni Cristo ang mas marangal na sanlibutan. Inihahayag Niya ang mga pakinabang ng pagkamamamayan sa lunsod na iyon na may mga pundasyon, na Diyos ang nagtayo at gumawa. Dinadala Niya tayo sa hangganan ng walang-hanggan, at ipinakikita sa atin ang mga kaluwalhatian, na sinasabing ang mga ito ay abot kamay ng lahat ng mabubuhay sang-ayon sa mga kautusan ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan ni Jehovah, maaaring maging isang nagkakaisa at maligayang sambahayan sa lunsod ng Diyos ang sangkatauhan; ngunit walang puwang para sa mga walang pagmamalasakit sa kalooban ng Panginoon. Ang lahat ng magnanais ay maaaring magkamit ng buhay na walang-hanggan, ngunit kailangang makamtan nila ito sa pamamagitan ng pagtanggap sa kautusan ng Diyos bilang kanilang gabay sa buhay na ito sa halip na sa pagsunod sa kanilang sariling mga batas. .LBD 45.3

    . . Sa mga mabubuhay sang-ayon sa Ama, magbibigay si Cristo ng mga kabutihan ng Kanyang buhay.— Manuscript 49, 1907. LBD 45.4

    Iniisip ba ninyong magsisisi at magdadalamhati ang mga sumusunod sa mga kautusan kapag bumalik ang mga pintuang perlas ng Ginintuang Lunsod ng Diyos sa mga nagniningning nitong mga bisagra, at malugod silang pinapapasok? Hindi, hindi magpakailan man. Magagalak sila sa panahong iyon na hindi sila nasa ilalim ng pagkaalipin sa kautusan, kundi kanilang iningatan ang kautusan ng Diyos, at samakatwid ay malaya mula rito. Magkakaroon sila ng karapatan sa puno ng buhay, karapatan sa mga nagpapagaling nitong dahon.— The Review and Herald, June 10, 1852. LBD 45.5

    Naglagay ng basbas ang Diyos ng kalangitan sa mga nag-iingat sa mga kautusan ng Diyos.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, p. 1104. LBD 45.6

    Siyang naging tapat sa iilang mga bagay ng sanlibutan, ay gagawing tagapangulo sa maraming mga bagay ng walang-hanggang sanlibutan ng kaluwalhatian.— The General Conference Bulletin, October 1, 1899. LBD 45.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents