Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Tinatanggap Natin ang Pananampalatayang Gumagawa sa Pamamagitan ng Pag-ibig,5 Marso

    Sapagkat kay Cristo Jesus, ang pagtutuli o di-pagtutuli ay walang kabuluhan, kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig. Galacia 5:6.LBD 69.1

    Kapag inyong inilahad ang inyong mga hinaing sa Panginoon, kailangang may pagpapakumbaba ito, na walang pagmamalaki ng mga matataas na nakamit, ngunit may tunay na pagkagutom ng kaluluwa para sa bendisyon ng Diyos. Palaging nalalaman ni Cristo kung ano ang iniingatan sa puso. Kailangang lumapit tayo sa pananampalataya na dumidinig at tumutugon ang Panginoon sa ating mga panalangin; dahil “ang anumang hindi batay sa pananampalataya ay kasalanan.” Ang tunay na pananampalataya ay pananampalatayang gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig at nagpapadalisay sa kaluluwa. Ang buhay na pananampalataya ay isang pananampalatayang gumagawa. Kung papasok tayo sa hardin at makita natin na walang dagta sa mga halaman, walang kasariwaan sa mga dahon, walang mga ubod na tumutubo o mga bulaklak na yumayabong, walang tanda ng buhay sa mga tangkay o sanga, sasabihin natin, “Ang mga halaman ay patay. Bunutin mo sila mula sa hardin; dahil sila’y kasiraan sa lupang pagtatamnan.” Gayundin sa kanilang nag-aangkin ng pagka-Cristiano, ngunit walang espirituwalidad. Kung walang mga tanda ng kasiglahang relihiyoso, kung walang pagsasagawa sa mga utos ng Panginoon, nahahayag na walang pananahan kay Cristo, ang nabubuhay na puno ng ubas.— The Youth’s Instructor, September 13, 1894. LBD 69.2

    Ang pananampalataya at pag-ibig ay kailangan, makapangyarihan, na mga elemento ng Cristianong karakter. Kaisa ni Cristo ang mga nagtataglay sa mga ito, at nagpapalaganap sa Kanyang misyon. . . . Dapat tayong umupo sa paanan ni Cristo bilang patuloy na mga mag-aaral, at gumawang taglay ang Kanyang mga pasan, at kikilalanin sila ni Cristo bilang Kanyang kaisa. Sasabihin sa langit na, “kami ay kamanggagawa ng Diyos.” Maaalala ba ng ating mga kabataan na hindi maaaring makapagbigay kaluguran sa Diyos kung walang pananampalataya? At kailangan ng pananampalatayang gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig at nagpapadalisay sa kaluluwa.— The Youth’s Instructor, August 2, 1894. LBD 69.3

    Hindi natin mapahahalagahan nang labis ang timbang ng payak na pana-nampalataya at tapat na pagsunod. Nagkakaroon ng kasakdalan ang karakter sa pamamagitan ng paglakad sa daan ng pagsunod sa payak na pananampalataya.— Manuscript 5a, 1895. LBD 69.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents