Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Enero—Tayo Ay mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

    Na Nilalang ng Diyos ang Tao Sang-ayon sa Kanyang Sariling Larawan, 1 Enero

    Kaya’t nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang. Sila’y nilalang na lalaki at babae. Genesis 1:27.LBD 5.1

    Nagkaroon ang buong kalangitan ng malalim at masayang interes sa paglalang ng sanlibutan at ng sangkatauhan. Bago at kakaibang uri ang mga tao. Nilalang sila sang-ayon sa “larawan ng Diyos,” at ipinanukala ng Diyos na panahanan nila ang lupa. Itinakda silang mamuhay sa malapit na pakikipagtalastasan sa kalangitan, na tumatanggap ng kapangyarihan mula sa Pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan. Itinaguyod ng Diyos, sila ay itinakdang mamuhay nang walang kasalanan.— THE REVIEW AND HERALD, February 11, 1902. LBD 5.2

    Hindi lamang mga anak sa ilalim ng makaamang pag-iingat ng Diyos ang banal na mag-asawa, kundi mga mag-aaral na tumatanggap ng turo mula sa Manlalalang na pinakamatalino sa lahat. Dinalaw sila ng mga anghel, at binigyan ng karapatang makipagtalastasan sa kanilang Manlalalang nang walang humahadlang na lambong sa kanilang pagitan. . . . Ang mga hiwaga ng nakikitang sansinukob—“ang mga kahanga-hangang gawa Niyang sa kaalaman ay ganap”—ay nagbibigay sa kanila ng di-maubos na bukal ng kaalaman at kasiyahan. Ang mga batas at pagkilos ng kalikasan, na pinagaralan ng mga tao sa loob ng anim na libong taon, ay binuksan sa kanilang kaisipan ng walang-hanggang Manlalalang at Tagapag-ingat ng lahat. Inaral nila ang dahon at bulaklak at puno, na tumitipon mula sa bawat isa ng mga lihim ng buhay nito. Kilala ni Adan ang bawat nabubuhay na nilalang mula sa malakas na dambuhalang naglalaro sa katubigan hanggang sa maliit na insektong lumulutang sa sinag ng araw. Siya ang nagpangalan sa bawat isa, at pamilyar siya sa likas at gawi ng lahat. Ang kaluwalhatian ng Diyos na nasa kalangitan, ang di-mabilang na mga sanlibutan na nasa kanilang maayos na pag-ikot, “ang pagtitimbang sa mga ulap,” ang mga hiwaga ng liwanag at ng tunog, ng araw at ng gabi—bukas ang lahat sa pag-aaral ng una nating mga magulang.— Patriarchs and Prophets, pp. 50, 51. LBD 5.3

    Nilikha ng Diyos ang tao na isang mataas na nilalang; siya lamang ang ginawa ayon sa larawan ng Diyos, at may kakayahang makibahagi sa banal na likas, na makipagtulungan sa kanyang Manlalalang at magsagawa ng Kanyang mga panukala.— The Review and Herald, April 21, 1885. LBD 5.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents