Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagkamaamo, 16 Marso

    Pinapatnubayan Niya ang mapagpakumbaba tungkol sa katuwiran, at itinuturo sa mapagpakumbaba ang Kanyang daan. Awit 25:9.LBD 80.1

    Kailangan mong matutuhan ang mahalagang turo kung paano maging tao sa paningin ng Diyos. Ito ay ang maging katulad ni Jesus, maamo at mapagpakumbabang puso, ang bantayan ang kapakanan ng iba nang mas maingat gaya ng inyong sariling kapakanan. . . . Kailangang isagawa ito sa pang-araw-araw na kabuhayan, na ipinakikitang hindi ka nagiging pabaya o mahinang mag-aaral sa paaralan ni Cristo. — Letter 16, 1886. LBD 80.2

    Hindi maaaring makapanatili sa puso ang pagkamakasarili kung saan naroon si Cristo. Kung iniingatan ito, sisiksikin nito palabas ang lahat ng iba pa. Pangungunahan ka nitong sundin ang sarili mong mga hilig nang higit pa sa tungkulin, na ginagawang tampulan ng kaisipan ang sarili, at bigyang-hilig at sundin ang sarili, imbes na magsikap na maging pagpapala sa kapwa. Ang iyong mga ninanasa, ang iyong kasiyahan, ay mauuna sa lahat ng iba pa. .LBD 80.3

    . . Matatagpuan ang tunay na kasiyahan, hindi sa pagbibigay hilig sa sarili, kundi sa pagkatuto kay Cristo. . . . Silang nagtitiwala sa kanilang sariling karunungan, at sumusunod sa kanilang sariling mga daan, ay umaangal sa bawat hakbang, dahil napakabigat ang pasanin na iginagapos sa kanila ng pagkamakasarili. . . .LBD 80.4

    Minamahal ni Jesus ang mga kabataan, at ginugusto Niyang magtaglay sila ng kapayapaang tanging Siya lamang ang makapagbibigay. Nag-aanyaya Siyang matuto sila mula sa Kanya ng kaamuaan at pagpapakumbaba ng puso. Madalang makita ang mahalagang biyayang ito sa mga kabataan ngayon, maging doon sa mga nag-aangking mga Cristiano. Sa pagtanggap sa pangalan ni Cristo, hindi nila tinatanggap ang Kanyang karakter . . . kaya’t wala silang nalalaman sa kasiyahan at kapayapaang matatagpuan sa Kanyang paglilingkod.— The Youth’s Instructor, November 21, 1883. LBD 80.5

    Ang kaamuan ni Cristo, na ipinahahayag sa tahanan, ay gagawing masaya ang mga nakatira dito. Hindi ito pumupukaw ng pag-aalitan, hindi nagbabalik ng pagalit na tugon, kundi kinakalma ang naiirita at nagkakalat ng pagkamahinahong nararamdaman ng lahat na naaabot nito. Saan man ito iniingatan, ginagawa nitong kabahagi ang bawat pamilya sa lupa ng nag-iisang dakilang sambahayan sa itaas.— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 32. LBD 80.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents