Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kapayakan, 20 Marso

    Ngunit ako’y natatakot na kung paanong si Eva ay dinaya ng ahas sa pamamagitan ng kanyang katusuhan, ang inyong mga pag-iisip ay mailigaw mula sa katapatan at kadalisayan kay Cristo. 2 Corinto 11:3.LBD 84.1

    Siyang mag-iingat ng kapayakan sa lahat ng kanyang mga nakasanayan, na pinipigilan ang panlasa at damdamin, ay maaaring maingatan ang kanyang mga kapangyarihan ng pag-iisip upang manatiling malakas, aktibo, at masigla ang mga ito, na mabilis na makaunawa sa mga bagay na kailangan ng pag-iisip o pagkilos, matalas na pagkilala sa pagitan ng banal at hindi banal, at handang makibahagi sa bawat proyekto para sa kaluwalhatian ng Diyos at kabutihan ng katauhan.— The Signs of the Times, September 29, 1881. LBD 84.2

    Kailangang maturuan ang mga maliliit na bata sa pambatang kapayakan. Dapat silang sanaying maging kuntento sa mga maliliit, ngunit nakatutulong na mga tungkulin at sa mga kasiyahan at karanasan na likas sa kanilang murang mga taon. Sinisimbuluhan ng damo ang kabataan sa talinghaga, at ang damo ay may kagandahan sa sarili nito. Hindi dapat pilitin ang mga bata tungo sa maagang paggulang, ngunit hangga’t maaari ay panatiliin ang kasariwaan at biyaya ng kanilang mga murang edad. Habang mas tahimik at payak ang buhay ng bata—mas malaya sa hindi likas na kaguluhan at mas nakasang-ayon sa kalikasan—mas mabuti ito para sa kasiglahang pisikal at mental at sa kalakasang espirituwal.LBD 84.3

    Dapat hikayatin ng mga magulang sa pamamagitan ng kanilang halimbawa ang pagbubuo ng ugali ng kasimplihan, at ilayo ang kanilang mga anak mula sa hindi likas tungo sa natural na buhay. Ang mga batang pinakakaakit-akit ay iyong mga natural at walang pagkukunwari.— Child Guidance, p. 139. LBD 84.4

    Ang pinakadakilang gurong nakilala ng sanlibutan ay hinangaan dahil sa Kanyang kapayakan; dahil naglahad Siya ng banal na katotohanan sa pamamaraang mauunawaan ang Kanyang mga salita maging ng mga bata, ngunit nakuha Niya kasabay nito ang atensyon ng pinakamataas ang pinag-aralan at ang mga pinakamalalalim mag-isip sa Kanyang kapanahunan. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangkaraniwang ilustrasyon, ginawa Niyang malinaw ang katotohanan sa pag-iisip ng mga pangkaraniwang tao. Sa kapayakan, inihasik Niya ang mga binhi ng katotohanan ng ebanghelyo sa mga isip at puso ng Kanyang mga tagapakinig, at tumubo at nagbunga ito ng isang pagaani tungo sa buhay na walang-hanggan.— The Youth’s Instructor, May 4, 1893. LBD 84.5

    Nasa Kanyang (Cristo) kapayakan ang Kanyang kaluwalhatian.— Counsels on Health, p. 320. LBD 84.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents