Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Itinanghal ni Cristo ang Kautusan at Ginawa Itong Marangal, 11 Pebrero

    Nalugod ang Panginoon, alang-alang sa Kanyang katuwiran, upang dakilain ang Kanyang kautusan at gawing marangal. Isaias 42:21.LBD 46.1

    Dapat maitanghal ng kamatayan ng bugtong na Anak ng Diyos ang mga batas ng pamahalaan ng Diyos. Dinala ni Cristo ang mga Kasalanan ng sanlibutan. Matatagpuan lamang ang ating kasapatan sa pagkakatawang tao at kamatayan ng Anak ng Diyos. Maaari Siyang magdusa, dahil pinalakas ng kadiyusan, nakayanan Niyang magbata, dahil wala Siyang ni isang bahid ng kawalang katapatan o kasalanan. Nakamit Niya ang buhay na walang-hanggan para sa mga tao, habang itinataas Niya ang kautusan at ginagawa itong marangal.— The Youth’s Instructor, August 4, 1898. LBD 46.2

    May tungkulin ang bawat kaluluwa na sumunod sa mga hakbang ni Cristo, ang dakilang halimbawa ng sangkatauhan. Sinabi Niya, “Gaya ng pagtupad Ko sa mga utos ng Aking Ama.” Nag-akala ang mga Fariseo na nagsisikap Siyang bawasan ang pag-aaangkin ng mga kautusan ng Diyos, ngunit umalingawngaw ang Kanyang tinig sa kanilang mga tainga na nagsasabing, “Huwag ninyong isiping pumarito Ako upang sirain ang kautusan o ang mga propeta; pumarito Ako hindi upang sirain, kundi upang tuparin ang mga ito. Sapagkat katotohanang sinasabi Ko sa inyo, hanggang sa mawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa matupad ang lahat ng mga bagay.”LBD 46.3

    Dumating si Cristo upang palawakin ang kautusan at gawin itong marangal. Dumating Siya upang parangalan ang lumang kautusan na nasa inyo mula pa noong pasimula. Kailangan natin kung magkagayon ang mga kautusan at ang mga propeta. Kailangan natin ang Lumang Tipan upang dalhin tayo sa Bagong Tipan na hindi pumapalit sa Lumang Tipan, kundi mas malinaw na naghahayag sa atin ng panukala ng kaligtasan, na nagbibigay ng kahalagahan sa sistema ng mga paghahandog, at sa salitang nasa atin mula pa noong pasimula. Hinihingi ang sakdal na pagsunod sa bawat kaluluwa, at gagawin kayong kaisa kay Cristo ng pagsunod sa nahayag na kalooban ng Diyos. . . . Nasusulat tungkol sa Kanya na, “Narito, Ako’y dumarating; sa balumbon ng aklat ay nakasulat ang tungkol sa Akin; kinalulugdan Kong sundin ang Iyong kalooban, O Diyos Ko; ang Iyong kautusan ay nasa loob ng Aking puso.”— The Youth’s Instructor, November 8, 1894. LBD 46.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents