Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Gusto ng Diyos na Magkaroon Tayo ng Pinakamagagandang Ugali, 4 Nobyembre

    Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasamahan ay sumisira ng magagandang ugali. 1 Corinto 15:33.LBD 313.1

    Hindi ibinababa ng relihiyon ni Cristo ang tumanggap nito, hindi siya nito ginagawang bastos o magaspang o walang-galang.—Letter 134, 1901. Napakaraming gagawin upang maiangkop tayo sa mga bulwagan ng Panginoon. Ang kagaspangan ng espiritu, ang kagaslawan ng pananalita, ang kababawan ng karakter, ay dapat alisin, kung hindi ay hindi rin natin masusuot ang damit na hinabi sa habihan ng langit—ang katuwiran ni Cristo. . . .LBD 313.2

    Ang mga taong, sa ilalim ng pagtuturo ni Cristo, ay ginagawang posible ang maabot ang pinakamatataas na makakamit ay dadalhin ang bawat banal na pagsulong sa mas mataas na paaralan. Subalit pinalulungkot ang mga anghel ng mga ayaw mahubog ang kanilang mga ugali sa wangis ng Diyos; sapagkat sinisira nila ang balak ng Diyos sa pangangapit sa mga makasalanan nilang gawi at pamumuhay— The Review and Herald, July 4, 1899. LBD 313.3

    Maging magalang kayo sa Diyos at sa isa’t isa. Tandaan ninyong gusto Niya kayong magkaroon ng pinakamagagandang ugali, upang maluwalhati ninyo Siya sa harap ng sanlibutan. Hangad Niyang mamuhay kayo nang may pagkakaisa sa isa’t isa at mahalin ang isa’t isa. Tandaan ninyong kung minamahal ninyo ang isa’t isa rito, mabubuhay kayong kasama ng mga tinubos sa buong walang-katapusang panahon ng walang-hanggan.— Manuscript 21, 1903. LBD 313.4

    Hinahadlangan ng pagkamakasarili at pagmamataas ang dalisay na pag-ibig na nagbubunsod sa atin kay Jesu-Cristo sa espiritu. Kung talagang nahubog ang pag-ibig na ito, nagsasanib-sanib ang mga may-hangganan, at matutuon lahat sa Walang-hanggan. Masasanib ang sangkatauhan sa sangkatauhan, at mabibigkis lahat sa puso ng Walang-hanggang Pag-ibig. Sagrado ang napabanal na pag-ibig sa isa’t isa. Sa malaking gawaing ito, pinananatili ng Cristianong pag-ibig sa isa’t isa—na lubhang mas mataas, mas tuluy-tuloy, mas magalang, mas hindi makasarili, kaysa nakita na—ang kabaitang Cristiano, ang Cristianong pagkamapagbigay at paggalang, at sinasaklaw ang kapatiran ng sangkatauhan sa yakap ng Diyos, na kinikilala ang dignidad ng pagkakabigay ng Diyos sa mga karapatan ng tao. Kailangang hubugin lagi ang dignidad na ito ng mga Cristiano para sa karangalan at kaluwalhatian ng Diyos.— Letter 10, 1897. LBD 313.5

    Bilang mga anak na lalaki at babae ng Diyos, laging mulat dapat tayo sa dignidad ng karakter, na walang bahagi dito ang pagmamalaki at pagpapahalaga sa sarili.— The Review and Herald, March 27, 1888. LBD 313.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents