Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Abril—Tayo Ay Binabago sa Pamamagitan ng Biyaya ng Diyos

    Ang Puso Natin ang Pinakamahalagang Handog, 1 Abril

    Anak ko, ang puso mo sa akin ay ibigay, at magmasid ang iyong mga mata sa aking mga daan. Kawikaan 23:26.LBD 96.1

    Ibigay ninyo sa Diyos ang pinakamahalagang handog na kaya ninyong gawin; ibigay ninyo ang puso ninyo sa Kanya. Sinasabi Niya sa inyo, “Mga anak kong lalaki at babae, ibigay ninyo sa Akin ang inyong puso. Bagaman ang iyong mga kasalanan ay maging tulad sa matingkad na pula, gagawin Kong kasing puti ng niyebe ang mga ito; sapagkat lilinisin Ko kayo sa pamamagitan ng sarili Kong dugo. Gagawin Ko kayong miyembro ng Aking sambahayan—mga anak ng Haring nasa langit. Tanggapin ninyo ang Aking pagpapatawad, ang Aking kapayapaang malaya Kong ibinibigay sa iyo. Dadamitan Ko kayo ng sarili Kong katuwiran,—ang damit pang kasalan,—at gagawin kitang karapat-dapat sa hapunan ng kasalan ng Kordero. Kapag nadaramtan kayo ng Aking katwiran, sa pamamagitan ng panalangin, sa pamamagitan ng pagiging handa, sa pamamagitan ng masigasig na pag-aaral ng Aking Salita, maaari ninyong marating ang isang mataas na pamantayan. Mauunawaan ninyo ang katotohanan, at mahuhubog ang inyong karakter sa pamamagitan ng isang banal na impluwensya.— The Youth’s Instructor, June 30, 1892. LBD 96.2

    Ang pusong tinitirahan ni Jesus ay babaguhin, dadalisayin, papatnubayan, at pamumunuan ng Banal na Espiritu, at magsisikap ang tao na abutin ang karakter na katugma ng Diyos. Iiwasan niya ang lahat ng bagay na laban sa inihayag na kalooban at isipan ng Diyos.—The Youth’s Instructor, June 7, 1894. LBD 96.3

    Ang ganitong buhay . . . ay puno ng kaaliwan, puno ng kasiyahan, sapagkat inyong dinadala ang langit sa inyong buhay, kapayapaan sa inyong kaluluwa.LBD 96.4

    . . . Gusto ko sanang maunawaan ng lahat ng kabataan kung gaano kahalaga ang ihandog ang puso habang kabataan pa sa Diyos. May pagmamahal na iniingatan ng mga anghel ang mga hakbang ng kabataang may takot at nagmamahal sa Diyos. Kilala sila ni Jesus sa kanilang mga pangalan, at tinutulungan ng kanilang halimbawa ang iba pang mga kabataang gumawa ng matuwid. Magiging buhay na daluyan ng liwanag ang kabataang nagiingat sa kanyang puso at isipan ng mga salita ng pagsaway at pangpalakas ng loob mula sa Diyos, ng Kanyang mahahalagang perlas ng pangako, na kung saan siya maaaring kumuha sa anumang oras.— The Youth’s Instructor, August 3, 1887. LBD 96.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents